Our Lady of Peñafrancia Fluvial Procession, matagumpay na naidaos

Matagumpay na natapos ang Fluvial Procession ng Our Lady of Peñafrancia sa Naga City, Camarines Sur sa kabila ng kaunting aberya.

Bilang isang religious tradition, idinadaos ang  ang fluvial procession upang ihatid pabalik sa Basilica ang imahe ng Our Lady of Peñafrancia at Divino Rostro mula sa Metropolitan Cathedral.

Nagkaroon ng aberya sa ilalim ng Magsaysay Bridge matapos bumangga sa pundasyon ng tulay ang isang bangkang humihila sa pagoda.

 

Nagtalunan sa tubig ang mga mananagwan.

Naantala ang fluvial procession matapos sumayad sa lupa ang pagoda sa bahagi parin ng Magsaysay Bridge.

Dahil sa sobran bigat ng pagoda ay nagbawas ito ng mga sakay upang makausad.

 

Sa kabuuan ay naging matagumpay at payapa ang ginawang fluvial procession. —LBG, GMA News



Our Lady of Peñafrancia Fluvial Procession, matagumpay na naidaos
Source: Balita News

Post a Comment

0 Comments