Actor na si Dominic Roco at 4 iba pa, huli sa QC buy-bust operation

Arestado ang aktor na si Dominic Roco at apat pang katao sa isinagawang buy-bust operation sa isang townhouse sa Quezon City.

Nahuli rin ang main target ng operasyon na si Reynaldo Sanchez sa Don Antonio Heights sa Barangay Holy Spirit.

Bukod kina Roco at Sanchez, nadakip ang isang babae at dalawang lalaki.

Nakumpiska sa kanila ang 15 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P102,000, at 10 gramo ng umano’y marijuana na nagkakahalaga ng P14,000.

Sa mga larawang ipinrisenta ng Holy Spirit Police Station ng Quezon City Police District, na pinost ng GMA News at Super Radyo DZBB bago magmadaling nitong Sabado, makikita ang mga suspek na nasa harap ng mga ilegal na droga, marked money at cellular phone.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—LBG, GMA News



Actor na si Dominic Roco at 4 iba pa, huli sa QC buy-bust operation
Source: Balita News

Post a Comment

0 Comments