Bata, natusok ang isang mata mula sa tumalipon na lapis

Nanganganib na mabulag ang kanang mata ng isang-taong-gulang na babae matapos na matusok ng lapis na tumilapon mula sa mga katabi niyang bata sa Las Piñas.

Sa ulat ng GMA News “Unang Balita” nitong Martes, sinabi ni John Paul Albareda, tiyuhin ng biktimang si Almira, na kalong ng lola ang bata sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Manuyo Uno.

Pero bigla lang tinamaan ng lapis ang mata ng bata na galing daw sa dalawang bata na naglalaro sa kanilang tabi.

Kaagad na dinala sa ospital ang bata at sinabi umano ng duktor na tanging transplant na lang ang pag-asa para maibalik ang paningin sa naapektuhang mata ni Almira.

Nananawagan ng tulong ang pamilya ng bata dahil wala raw silang sapat na pera para sa operasyon.–FRJ, GMA News



Bata, natusok ang isang mata mula sa tumalipon na lapis
Source: Balita News

Post a Comment

0 Comments