Lalaking palaging natatanggal sa trabaho, rumaraket gamit ang bike  

Dahil palaging natatanggal sa kanyang trabaho, nagpasya ang isang lalaki mula United Kingdom na maghanap ng raket. Ka-tandem niya sa paghahanapbuhay ang kanyang bike.

Sa ulat ng GMA News Feed, sinabing tumigil sa pag-aaral ang 22-anyos na si Alfie Cookson at pumasok sa iba’t ibang trabaho.

Pero hindi siya nagtatagal sa mga ito matapos makailang ulit na matanggal.

Para mabuhay, ginagamit niya ang kanyang bike para kumita at tulungan ang ibang mga residente.

“I was just causing more damage than what I was earning, so when I couldn’t hold down a full-time job I just decided to set up on my own, so I couldn’t sack myself,” ani Alfie.

Ilan sa mga madalas na ipagawa sa kanya ang paglipat sa mga kagamitan ng kanyang mga kapitbahay.

Kahit anong trabaho, kayang-kaya raw ‘yan ni Alfie basta kasama ang kanyang bike.

Masaya raw si Alfie sa kanyang ginagawa dahil nakakapagbigay siya ng ngiti sa ibang tao.

“I love my job because it just puts a smile on people’s faces and that’s just a big bonus to me,” aniya.

Noong una raw ay kaunti lang ang nakakakilala sa kanya. Pero noong sumikat daw siya sa social media, may mga kumukuha na rin daw sa kanyang serbisyo kahit sa malayong lugar.

“It’s pretty much word of mouth but since I’ve got social media, I sometimes go on there and try to push my work on there,” dagdag pa ng binata.

Gusto pa raw niya palaguin ang kanyang kabuhayan para makabili ng sariling van at makapaglibot sa buong Europe.

“I do want to buy a van and go travel around Europe or build a boat and just go off and sail somewhere. But I wouldn’t mind trying to get around 40 tandems around the UK, and have everyone doing odd jobs,” sabi ni Alfie. — VBL, GMA Integrated News



Lalaking palaging natatanggal sa trabaho, rumaraket gamit ang bike  
Source: Balita News

Post a Comment

0 Comments