Patay ang isang Filipino news helicopter pilot at kasama niyang meteorologist matapos bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter sa South Carolina noong nakaraang linggo.
Kinilala ang dalawang nasawi na sina Pilot Christopher “Chip” Tayag, 57, at meteorologist na si Jason Myers. Kapwa nagtatrabaho ang dalawa sa WBTV, isang TV station sa North Carolina.
Ayon sa ulat, magsasagawa sana ng daily traffic at weather report sina Tayag at Myers nang bigla na lamang bumagsak ang helicopter nito sa Nations Ford Road sa Interstate 77 ilang araw bago ang Thanksgiving
Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng WBTV na nagluluksa sila sa pagpanaw ng dalawa nilang emplayado
“We are working to comfort their families in this difficult time. We appreciate the outpouring of support for our staff and your continued prayers for their families,” anang istasyon.
Limang taon nang Electonic News Gathering (ENG) pilot si Tayag sa WBTV at may 3,700 flying hours na ito.
Ayon sa mga nakasaksi ng insidente, pinilit daw ni Tayag na iwasang bumagsak sa highway kung saan maraming mga motorista ang dumadaan.
Kung hindi daw ito negawa ni Tayag ay posibleng marami daw ang namatay s? aksidente.
Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng aksidente na kasalukuyang iniimbestigahan na ng National Transportation Safety Board at Federal Aviation Administration.
Naulila ni Tayag ang kanyang asawang si Kerry. —Dave Llavanes Jr/KBK, GMA Integrated News
Fil-Am pilot at kasamang meteorologist, patay sa helicopter crash sa US
Source: Balita News
0 Comments