Higit P114-M premyo sa Megalotto, tinamaan; pero P470-M jackpot sa Ultra Lotto, mailap pa rin

Tinamaan ng isang mananaya ang higit P144 milyong jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw nitong Biyernes, Disyembre 23, 2022. Pero nananatiling mailap ang Ultra Lotto 6/58 na higit na mas malaki ang premyo.

Sa resulta ng nasabing draw na makikita sa website ng Philippine Charity Sweetstakes Office (PCSO), nakasaad na mayroong isang nanalo sa Megalotto 6/45 draw.

Ang lumabas na mga numero ay 11-21-01-12-17-03, na may kabuuang premyo na P114,327,454.00. 1

Samantala, P470,813,166.00 na ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58, pero wala pa ring tumama sa ginanap na draw nitong Biyernes.

Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 40-51-35-31-27-50.

Gaganapin sa Linggo ang susunod na draw ng Ultra Lotto na inaasahang aabot na sa higit P500 milyon ang premyo.–FRJ, GMA Integrated News



Higit P114-M premyo sa Megalotto, tinamaan; pero P470-M jackpot sa Ultra Lotto, mailap pa rin
Source: Balita News

Post a Comment

0 Comments