P79-M jackpot prize sa Superlotto 6/49, nasolo ng isang mananaya

Isang mananaya ang nanalo ng mahigit P79 milyon matapos tamaan ang mga lumabas na numero sa Superlotto 6/49 draw nitong Huwebes ng gabi, Enero, 19, 2023.

Walang kahati sa P79,151,086.60 na premyo ang masuwerteng mananaya, na nakuha ang winning combination na 17-19-31-13-47-34, batay sa resulta ng draw na makikita sa website ng Philippine Charite Sweepstakes Office.

Samantala, wala naman nanalo sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42, na may kabuuang premyo na P5,940,000.00.

Ang lumabas na mga numero ay 23-05-29-01-31-11.– FRJ, GMA Integrated News



P79-M jackpot prize sa Superlotto 6/49, nasolo ng isang mananaya
Source: Balita News

Post a Comment

0 Comments