_2023_01_14_19_45_46.png)
Sugatan ang pitong katao, kabilang ang isang batang nagpapagamot, matapos masalpok ng pumaparadang senior citizen ang kaniyang SUV sa isang medical center sa Baler, Aurora.
Sa ulat ni Mav Gonzales sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado, mapapanood ang pahirapang pagsagip sa isang lalaki na naipit matapos araruhin ng sasakyan ang pagamutan.
Tulong-tulong ang mga tao para mahila ang SUV at maialis sa pagkakaipit ang lalaki.
Kabilang sa sugatan ang isang walong taong gulang na batang nagpapagamot doon.
Agad dinala sa ospital ang mga biktima.
Ayon sa pulisya, isa sa mga biktima ang malala ang kondisyon na nagkaroon ng tama sa paa.
Lumalabas sa imbestigasyon na pumaparada ang driver ng SUV, pero imbes na preno, silinyador ang kaniyang natapakan.
Nangako naman ang driver na sasagutin ang gastusin ng mga biktima sa kanilang pagpapagamot. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Pumaparadang SUV, sumalpok sa ospital sa Aurora; 7 sugatan
Source: Balita News
0 Comments