3 lalaki na gumahasa umano sa 13-anyos na babae inaresto

Isang 13-anyos na babae ang ginahasa umano ng tatlong lalaki na magpipinsan sa Cotabato City.

Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa GTV “State of the Nation” nitong Lunes, sinabing batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pupunta sana sa kaniyang kaklase ang biktima nang bigla siyang isakay  ng isang 18-anyos na babae na umano’y bugaw.

Dinala umano ang biktima sa bahay ng mga suspek at doon pilit na pinainom ng alak na may pampatulog.

Pinagbantaan din umano ang biktima na papatayin.

Bukod sa tatlong magpipinsan, naaresto rin ang sinasabing babaeng bugaw.  Tumanggi silang magbigay ng pahayag.—FRJ, GMA Integrated News



3 lalaki na gumahasa umano sa 13-anyos na babae, inaresto
Source: Balita News

Post a Comment

0 Comments