Hindi na lang sa lupa maaaring ilibing ang mga patay dahil ang isang kumpanya sa Amerika, dadalhin ang mga abo ng mga namayapa sa kalawakan para sa space burials.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing mahigit 190 capsule na naglalaman ng mga abo ng mga namapaya ang dadalhin ng kumpanya sa kalawakan.
Bukod dito, magpapadala rin ang kumpanya ng DNA ng mga taong buhay pa para naman sa mga taong gustong i-preserba ang kanilang lahi.
Aabot ang space burial sa layong 330 million kilometers sa kalawakan at iikot sa paligid ng araw.
Sinabi ng kumpanya na unang beses itong mangyayari sa kasaysayan.
Nasa loob ng mga capsule ang mga hair follicle ng mga dating presidente ng Amerika na sina George Washington, Dwight Eisenhower at John F. Kennedy. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Mga abo ng namayapa, dadalhin sa kalawakan para sa ‘space burial”
Source: Balita News
0 Comments