Konsehal, pinagbabaril matapos dumalo sa flag raising ceremony sa Ilocos Norte

Patay ang isang konsehal matapos siyang pagbabarilin malapit sa munisipyo ng Sarrat, Ilocos Norte.

Sa ulat ni Marjorie Padua sa GMA Regional TV “Balitang Amianan” nitong Lunes, kinilala ang biktima na si Apolonio Medrano, isang dating pulis.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na dumalo pa sa flag raising ceremony ang biktima bago pagbabarilin ng tumakas na salarin.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima, na nakatakda sanang tumakbo muling konsehal sa darating na Eleksyon 2022.

Ayon sa anak ng biktima, wala siyang alam na kagalit ang ama, o kung natatanggap sa banta ito sa buhay.

Hindi rin masabi ng mga kaanak ng biktima kung may kaugnayan sa pulitika ang krimen.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng salarin.–FRJ, GMA News



Konsehal, pinagbabaril matapos dumalo sa flag raising ceremony sa Ilocos Norte
Source: Balita News

Post a Comment

0 Comments