
Patay ang isang lalaki matapos aksidenteng mabaril ang sarili sa Taysan, Batangas, ayon sa ulat ni Kaitlene Rivilla ng GMA Regional TV Iloilo sa Unang Balita nitong Martes.
Kinilala ang biktima na si Marlon Hobias, 24, na nagdiwang pa ng kaniyang kaarawan nito lamang January 18.
Ayon sa isang kaanak, lasing ang biktima nang maganap ang aksidente. Wala raw silang ideya kung saan nanggaling at kung sino ang may-ari ng baril.
Maging ang pulisya ay blanko sa pinanggalingan ng baril na kumitil sa buhay ni Marlon.
“‘Yung baril, hindi ma-establish kung kanino… ‘yung baril po hindi po dapat pinaglalaruan… at ‘yun pong baril dapat po ‘yan ay lisensiyado at dapat po alam po natin ‘yung safety ng baril,” sabi ni Police Major Arnold Bianzon, hepe ng Taysan Police Station. —KBK, GMA Integrated News
Lalaki sa Batangas, patay matapos aksidenteng mabaril ang sarili
Source: Balita News
0 Comments